Una sa Balita

Umento ng mga pulis, sundalo gagawing 3 bagsak

By
0 7

Hindi isang bagsakan na makukuha ng mga mi­yembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ipinangako ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na dobleng sahod ng mga ito.

Ito ang nabatid kay House appropriation committee chairman Karlo Nograles dahil natatakot umano ang mga ito na mabangkarote ang mga pamahalaan lalo na ang Government Service Insurance System (GSIS) kapag itinodo ang dobleng sahod na ipinangako ni Duterte sa mga pulis at sundalo.

Ayon kay Nograles, kabilang sa P3.35 trilyong national budget sa 2017 ang P39.5 bilyon para sa dagdag na sahod ng mga pulis at sundalo kung saan first tranche pa lamang ito dahil hindi kayang ibigay ang dobleng sahod ng isang bagsakan lamang.

“It will be in three tranches dahil ayaw naman natin mabigla ang sistema particularly ‘yung ating mga pension. Hindi basta-basta mag-increase ng sahod dahil may repercussion at implication po ‘yan sa pension. Ayaw nating mabangkarote ang pension funds natin tulad ng GSIS,” ani Nograles.