Una sa Balita

Umento ng mga guro sa 2020 pa – Palasyo

By
0 2,443

Pinahahanapan ng paraan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng kanyang gabinete ang ipinangakong dagdag sahod ng mga pampublikong guro sa buong bansa kasama na rin ang iba pang kawani ng pamahalaan subalit sa 2020 pa ito maaaring ipatupad.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na mu­ling ipinaalala ng Pa­ngulo sa cabinet meeting nito ang kanyang utos na maghanap ng paraan para sa umento sa sahod ng mga guro sa 2020.

Nilinaw ni Roque na hindi ito mangyayari sa 2019 dahil mayroon pang isang tranche ng Salary Standardization Law na ipatutupad sa ­susunod na taon.
“Also in the cabinet meeting, the entire ca­binet reaffirmed the President’s directive that we will continue to look for ways and means to effect an increase in the teacher’s salary but beginning 2020 not 2019. The rationale for this is the last tranche of the Salary Standardization Law; the increase in the last tranche under the SSL will be implemen­ted in 2019,” ani Roque.

Ang pagsisikapan na lamang anya ng mga finance manager ng administrasyong Duterte ay kung saan kukunin ang pondo para sa dagdag sahod ng mga guro at iba pang lingkod ba­yan ng pamahalaan.