Una sa Balita

Umayaw sa revolutionary tax, tinodas

By
0 71

Dahil sa hindi pagbibigay ng “revolutionary tax” ay pinatay ang isang 59-anyos na magsasaka ng sinasabing mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos itong dukutin sa kanilang bahay at pagbabarilin kamakalawa sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Kinilala ang biktimang si Noli Garlan, residente ng Purok 2 Barangay Senebiran ng nabatid na bayan, ito ay agarang nasawi matapos magtamo ng isang tama ng kalibre .45 sa ulo.

Samantala, nakilala naman ang tatlong suspek na dumukot at pumatay sa biktima na sina Noli Balute. Magkapatid na Betong at Allan Estavillo, kilalang mga rebelde at residente ng Barangay Tugas ng bayang ito.

Sa ulat na nakarating sa Police Regional Office (PRO) 5 sa Camp Simeon Ola, naganap ang insidente pasado alas-otso ng umaga nang dukutin ng mga suspek ang biktima dahil sa hindi umano nito pagbibi­gay ng “revolutionary tax” dahil sa mga inani nitong palay.
­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy