Una sa Balita

Umayaw sa kalabit, misis ginulpi

By
0 6

Kalaboso ang isang mister matapos ireklamo ng pambubugbog ng mi­sis na tumangging maki­pagtalik sa kanya sa Sanchez Mira, Cagayan.

Nakapiit na ngayon sa detention cell ng Caga­yan Police Provincial Office (CPPO) ang suspek na si Jan Agabit.

Si Agabit ay inaresto matapos ireklamo ng mi­sis na si Jonalyn, isang guro.

Abante Hiring – IT dep

Sa reklamo ng misis, kauuwi lamang niya kamakalawa ng hapon ga­ling sa eskwelahan nang utusan siya ng mister na magluto at patulugin ng maaga ang mga anak.

Kahit pagod, sinunod pa rin ng biktima ang utos ng mister pero nang matapos ang misis ay nagpamasahe pa sa kanya ang mister na sinunod din naman nito.

Pero sa kalagitnaan ng pagmamasahe, inaya ng mister ang misis na magtalik sila na hindi na pinagbigyan ng misis dahil bukod sa pagod na ito ay gi­sing pa ang isa nilang anak.

Dito na nagalit at nagwala ang mister hanggang sa suntukin ang misis sa sikmura, mukha at mata at hindi pa nakuntento at tinadyakan ang likod at leeg.

Nanlaban ang misis hanggang makalabas ng bahay at nakahingi ng tulong sa ina na kapitbahay lamang nila.

Agad namang isinugod sa ospital ang misis habang ang ina nito ay tumawag ng pulis at naaresto ang suspek na mister.