Una sa Balita

Umawat sa away, parak bugbog-sarado

By
0 745

Sarado ang kaliwang mata at may mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang pulis matapos pagtulungang gulpihin ng limang kalalakihan sa Malabon City kahapon nang madaling-araw.

Labis ang galit ni P02 Jhonny Camfoli, 30, naka­talaga sa Police Community Precinct (PCP) 1 ng Malabon Police Station, residente ng Barangay Tinajeros ng nasabing lungsod nang makaharap niya sa loob ng presinto ang gumulpi sa kanya na sina John Jay Bongco, 27, binata, security guard, ng No. 52 Crispin Street, Barangay Tinajeros; Ian Ajoc, 24; Vicente Jay Carillo, 21; kapatid na si Vingeil, Gilbert Polo, 30 mga residente ng Aracity Street, Barangay Tinajeros, Malabon City.

Kuwento ng biktima, alas-12:35 nang gabi, sakay siya ng kanyang tricycle at papauwi na sana. Pagsapit sa Sisa Street, Goldendale, Barangay Tinajeros, Malabon City, nakita niya na inaaway ni Bongco ang isang babae.
Dahil sa tawag ng tungkulin, bumaba ng tricycle si P02 Camfoli at inawat ang suspek.

Sa halip na makinig, sinuntok ni Bongco ang biktima.

Galit na sumugod ang parak, ngunit tumulong ang apat pang kaibigan ni Bongco.

Natigil lang ang pambubugbog sa pulis nang dumating na ang mga rumes­pondeng awtoridad.

Kinasuhan ng physical injuries at direct assault ang mga dinakip.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy