Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Umariba sa interview: Rabiya pinaghalong Megan, Pia ang appeal

0 111

Ang daming pasabog ni Rabiya Mateo sa ginaganap na Miss Universe 2020 sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino, Florida.

Una nga riyan, siya ang napiling ilagay sa harap para sa opening production number, na sabi nga niya, hindi naman talaga siya dancer.

“Pero ginalingan ko talaga! Hahahaha!” chika niya kay MJ Lastimosa (Miss Universe Philippines 2104).

Pangalawa, pasabog din ang interview sa kanya na inilabas ng Miss Universe Org. dahil talagang kumuda, nagpakitang gilas ang reyna ng Pilipinas.

At sa interview na `yon, si Miss Venezuela nga raw ang nakalaban ni Rabiya, na malalim din ang mensahe at kuwento ng buhay.

Anyway, sina Miss Universe 1997 Brook Lee, Miss Universe 2006 Zuleyka Rivera ang kabilang sa mga hurado.

Makakasama nila sina Keltie Knight, Arden Cho, Christine Duffy, Deepica Mutyala, Tatyana Orozco, Sheryl Adkins-Green.

Sa May 16 (May 17 sa Pilipinas) ang coronation night ng Miss Universe 2020  na ihahatid ng ABS-CBN live sa A2Z.

Anyway, sa pahayag naman ni MJ Felipe sa TV Patrol, nasaksihan nga niya kung paano dagsain ng mga fan si Rabiya. At chika umano ng mga Venezuelan fans, pinaghalo raw na Megan Young at Pia Wurtzbach si Rabiya. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.