Una sa Balita

Umani nang panlalait: Hindi na ako dadalo sa ABS-CBN Ball next year – Vice Ganda

0 596

Idinaan na lang sa tawa ni Vice Ganda ang panlalait ng mga netizen, basher sa mga suot nilang gown, barong. Sa banter nila ni Anne Curtis, Jhong Hilario sa “It’s Showtime”, inisa-isa nila ang mga nabasa nilang reaksiyon sa social media dahil sa mga outfit nila.

“Si Juliana (Pariscova, Miss Q & A grand winner), mukhang sugarol daw na Hermana mayor! Hahahaha!” sabi ni Vice.

Kasi nga naman, puro baraha ang suot na gown ni Juliana, na hirit ng ibang mga fan, puwede raw maglaro ng tong-its sa kanyang kasuotan.

“Ang mga tao talaga kung ano-ano sinasabi sa mga damit namin. Ang damit ko raw parang malaking pambalot ng lumpia. Hahahahaha!

“Tapos ‘yung isa, anti-dengue raw ang outfit ko. Hahahaha!

“Ang sasama ng mga tao, kung ano-ano sinasabi nila sa akin. Kaya hindi na ako sasali sa ABS-CBN Ball next year, inookray lang nila ang mga damit ko.

“Ang hirap-hirap kayang mag-fitting mga siraulo kayo.

“Ang bigat-bigat nu’ng binibitbit kong gown, tapos inookray-okray lang!

“Nakakaloka sila. Nakakatawa talaga!” sabi ulit ni Vice na super tawa pa rin.

“Si Ryan Bang naman, parang manager daw ng bangko. Hahahaha!” say ulit ni Vice.

Si Anne Curtis naman, para raw nasa kumpisal.

“Ako naman pang-kumpisal daw ‘yung laki ng sleeves ko. Hahahaha!” sabi ni Anne.

“Sa akin nga, wala raw pinagkaiba sa pang-gong. Kasi, lagi naman akong naka-barong sa ‘Tawag ng Tanghalan,'” natatawang saad naman ni Jhong Hilario.

Anyway, aliw na aliw naman ang mga fan sa banter na ‘yon ng “It’s Showtime” family, dahil sila nga mismo ay pinaglaruan na rin ang mga isinuot nila sa ABS-CBN Ball.

Pero for sure, hindi naman tototohanin ni Vice ang sabi niya, na hindi na siya dadalo sa ABS-CBN Ball next year, ha! Chika lang niya ‘yon!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy