Una sa Balita

Umaming drug courier tiklo sa ₱1.7M shabu sa Pasig

By
0 590

AABOT sa P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency-National Capital Region (PDEA-NCR) sa buy-bust operation sa Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig City kamakalawa nang gabi.

Arestado sa operasyon ang isang lalaking kinilala lamang sa alyas ‘Lem’, 24-anyos. Ikinasa ang operasyon sa kahabaan ng Esguerra Street.

Nakuha mula sa suspek ang tatlong plastic na naglalaman ng 250 gramo ng shabu, marked at boodle money na ginamit ng PDEA poseur-buyer sa operasyon.

Inamin naman ng suspek na sa kanya galing ang hinihinalang droga, subalit hindi raw siya tulak kundi isang courier.

Kumikita umano siya P3,000 sa bawat delivery ng droga.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy