Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Umalma sa ‘Ninoy Hindi Bayani’: Kris palaban, ‘di patitibag sa mga kalaban

0 131

Ang sore throat, laryngitis, o sakit na naman ni Kris Aquino ang dahilan kung bakit hindi siya nakasama, o hindi siya nakapag-host ng mediacon para sa launching ni Jackie Chan, bilang kasama niyang endorser ng Shopee.

Ang dami ngang nanghinayang dahil chance na sana nila, o namin `yon para maka-chikahan si Kris.

Eh si Kris pa naman, hindi naman tumatanggi sa mga interview, lalo na at sa talino niya, alam na alam niyang sagutin ang kahit na ano pang ibato na mga tanong sa kanya.

“I know when you watch this video you’ll say ‘Grabe si krisy maka- connect ng post…’ Unahan ko na kayo – O was preparing a special letter to be read on cam for my Dad & my brother… but I’ve had a bad case of sinusitis and sumunod na yung sore throat and laryngitis…

“I was supposed to host the 8/19 media launch to welcome the legend, Jackie Chan to the #Shopee family but needed to back out because hindi talaga kinaya. That’s not the work ethic instilled in me by my parents but my autoimmune has made me much more vulnerable.

“Today I gave it my all to do my voice overs for our 9/9 @shopee_ph TV special and my dad would surely understand because i was raised to not submit work that’s just good enough.

“Bravo to my very lean team, @alvingagui na kaya nang mag-sound engineer, Bimb who was doing my cuing, and my 2 nurses, Bianca & Gerald who were holding our new pang podcast microphone (more on that later) and helping keep my voice and throat as energetic as possible,” sabi ni Kris.

Anyway, August 21 nga pinost ni Kris ang video na kasama niya ang tatay niyang si Ninoy Aquino. Sobrang cute na Kris ang makikita sa video na `yon.

Ang August 21 nga ay holiday dahil na rin sa pag-alala sa pagpatay kay Ninoy Aquino.

“May utang pa akong tribute for Benigno S Aquino Jr and Benigno S Aquino III- they deserve for me to do that when my prod team is complete and you will all get to view my thoughts and feelings in the way na hindi ako mapapahiya sa kanila.

“I guess that means waiting until after MECQ is lifted. Or maybe after I’ve fulfilled my 9/9 duties. Until then- maraming salamat sa patuloy na respeto at pagmamahal. #lovelovelove,” sabi ni Kris.

Aware si Kris sa mga naglalabasan, o pagpapa-trending sa Twitter na #NinoyIsNotAHero.

At heto nga ang palaban na mensahe ni Kris sa kanila.

“#Because…

“Dad, you were the first one who truly believed that your baby was destined to become a star despite the impossible odds & all of mom’s warnings… And for being the first man to ever call me beautiful.

“Patuloy man nilang ibato ang lahat nang walang kwentang paninira sa pamilya natin, hindi ako papayag na matibag.

“Because my HERO instilled real strength in me. Laban!” sabi ni Kris.

Ayan, ha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.