Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Umabot sa pneumonia: Cherry Pie tagumpay laban sa COVID-19

0 89

Sa thanksgiving virtual presscon inilahad ni Cherry Pie Picache ang hirap na pinagdaanan niya sa paglaban sa Coronavirus. Inamin ni Cherry Pie na nahawaan siya ng virus, at halos isang buwan nga raw siyang lumaban.

“Mahirap, it’s a difficult 3 weeks. Noong una, wala akong sintomas na nararamdaman. But as the days went on, it was very difficult, masakit sa ulo, sa katawan.

“Nag-develop din ako ng pneumonia.

“But you know the miracle is, with my 3…Padre Pio, Divine Jesus, Mama Mary, hindi ako pinabayaan. With all the pneumonia na naranasan ko, hindi ako na-hospitalized.

“Naka-monitor ako with my doctors. Wala siyang gamot, so dapat lang palakasin ang system. Breathing exercises, palakasin ang baga. Wala tayong ibang kakapitan kundi ang Diyos, sa lahat ng nangyayari satin. Kaya kahit sa bahay lang, pero mahirap.

“Hanggang ngayon nagpapalakas pa ako, kasi parang hindi pa normal ang katawan. Dapat tuloy ang bukas. You have to prepare when you go out, may nakakasalamuha pa rin tayo.

“Importante palakasin ang immune system, vitamins, i-monitor ng oxygen.

“Idagdag ko na rin, na dahil isa kami sa unang nag-taping sa panahon ng pandemya para sa Walang Hanggang Palam. Sa hirap ng mga protocol, kundisyon sa trabaho na naranasan, iba rin ang puso ko para sa mga OFW na malayo sa pamilya, ganun pala ang pakiramdam.

“So, time to really share the love, the compassion, understanding, dahil bukod sa pandemya, mahirap talaga. Pero tuloy ang buhay,” sabi ni Pie. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.