Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Umabot din sa Timor-Leste! Mga community pantry 350 na

0 65

Sinasabing pumalo na sa 350 ang bilang ng mga nakatayong community pantry ngayon sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Binahagi ito ni Ana Patricia Non, ang nagtatag ng unang community pantry sa Maginhawa Street, Quezon City.

“Hindi pasisiil! Isang linggo na pala mula nung nagbukas ang #CommunityPantry sa Maginhawa. Ngayon mayroon na tayong 350 Community Pantries sa buong Pilipinas at nadadagdagan pa!” sabi ni Non nitong Miyerkoles, Abril 21.

“Iba talaga ang lakas ng bayanihan ng mga Pilipino pag nagtutulungan. Lahat ay welcome dito, walang pinipili edad, kasarian, kapansanan, relihiyon, ethnicity, at socio-economic class at politikal na paniniwala.”

“Tuloy ang ating mutual aid natin! Mabuhay po tayong lahat!” aniya pa.

SM food to go Banner Ad

Nilahad ni Non ang magandang balita matapos niyang ihinto nang isang araw ang Maginhawa Community Pantry “dahil po sa #RedTagging na nagaganap” at “para sa safety po namin ng mga volunteers.”

Nagpatuloy ang operasyon ng pantry noon ding Miyerkoles.

Samantala, viral din ang Facebook ni Vice Consul of Philippine Embassy sa Dili Laser Sumagaysay, dahil sa binalita niyang umabot na sa Timor-Leste ang community pantry na nagsimula sa pangunguna ni Non.

Aniya, apektado din ang ekonomiya ng bansa dahil sa pagbaha at pakikipaglaban din sa COVID-19. “I took the opportunity to discuss with some Timorese friends and diplomats about the concept of “bayanihan” and particularly showed them photos of #communitypantry set-ups in Ph to which they gained much interest.”

Nagtulong-tulong umano sila ng kanyang mga kasamahan para makapaglunsad ng community pantry. Ani Sumagaysay, “Let us help spread the #bayanihan spirit in Timor-Leste.” (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.