Una sa Balita

Umaariba pa si Helterbrand

0 400

MAY asim pa si Jayjay Helterbrand.

Kulang dalawang taon nang mag-retiro sa PBA matapos ang 17 seasons sa Ginebra, bumalik sa competitive basketball ang 5-foot-11 guard nitong Huwebes.­

Sa debut game ng Imus Bandera-Khaleb Shawarma/GLC sa opening day ng MPBL Lakan Cup, pasabog si Helterbrand ng 14 points mula 3 for 5 shooting sa 3-point range, may 8 rebounds, 8 assists, 2 steals at 1 block sa loob ng 30 minutes.

Naligtasan ng Imus ang dinayong Caloocan Supremos-Victory Liner 78-75 sa overtime.

Ang mga dating kakampi ni Helterbrand sa Gin Kings, natuwa sa pinakita ng Fil-Am na tandem ni Mark Caguioa sa Fast and Furious na kasama sa anim na titulo ng crowd favorites.

“A talent like him, I still think he has a lot left in the tank,” ani import Justin Brownlee. “I miss him a lot, but I am proud and happy for him.”

Nagkakaisa sina Brownlee, LA Tenorio at Joe Devance sa paniniwalang marami pang pahihirapan si Helterbrand, 42. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy