Una sa Balita

UltraLotto 6/58 mailap, jackpot prize papalo na sa P570M

0 321

WALA pa ring nanalo sa Ultra Lotto 6/58 draw noong Linggo nang gabi.

Lumabas sa bola ang mga numerong 24-35-56-38-28-42 na may kabuuang jackpot prize na P551,720,748, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Dahil dito, maaaring umabot sa P570 milyon ang magiging jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 draw ngayong gabi.

Noon pang Pebrero huling tinamaan ang bola ng Ultra Lotto 6/58 kaya’t umabot sa higit kalahating bilyong piso ang jackpot prize ngayon.

Ito rin ang ikalawa sa pinakamataas na jackpot prize sa kasaysayan ng lotto draw sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy