Una sa Balita

Ultra Lotto 6/58 jackpot prize umakyat na sa P.5B

By
0 1,076

MAAARING pumalo na sa kalahating bilyong piso ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 ngayong gabi matapos na hindi ito mapanalunan nitong Linggo, ayon sa Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO).

Ang winning combination kamakalawa nang gabi sa Ultra Lotto ay 41-51-28-30-54-24 kung saan walang nakakuha ng jackpot prize na uma­bot ng P485,363,060.

Mayroon namang 19 ang pumuro sa jackpot prize pero nakuha lang ang limang winning number kaya’t kukubra na lang sila ng tig-P240,710

Nabatid pa sa PCSO na huling natamaan ang Ultra Lotto 6/58 noon pang Pebrero 16 kung saan pinaghatian ng da­lawang nanalo mula sa Calamba, Laguna at Bustos, Bulacan ang jackpot prize na P331.9 milyon.

Ang nasabing jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 ang ikalawa sa pinakamalaking jackpot prize sa kasaysayan ng lotto sa bansa.