Una sa Balita

Ulo pisak sa trak

By
0 9

SAN LEONARDO, Nueva Ecija — Nagulungan ng trak ang ulo ng tricycle driver na sumemplang sa bunton ng buhangin noong Biyernes ng madaling-araw sa kahabaan ng Maharlika Highway, Brgy. Tabuating sa bayang ito.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Rannie Casilla, nakilala ang biktima na si Andres Burce Dizon, 20, binata, taga-249 Arayat St., Mabini Homesite Cabanatuan City.

Alas-singko ng umaga, minamaneho ni Dizon ang isang tricycle na walang plaka sakay si Alvin Reyes Beltran, 32-anyos, at patungong Cabanatuan nang hindi napansin ni Dizon ang buhanging nakabunton sa gilid ng highway kaya tumagilid at nahulog siya sa manibela ng tricycle.

Tiyempong paparating ang trailer truck na may plakang ABA-8686 na pag-aari ni Reynaldo Bautista at minamaneho ni Florante Gacuilas Rayo, 38, binata, ng Brgy. Narvacan I, Guimba, Nueva Ecija at bahagyang nagi­liran ng trak ang tricycle kung saan sumaktong nagulungan ng panghulihang gulong ng trak ang ulo ni Dizon na namatay noon din.