Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ulo ng dating OFW, pinasabog

0 82

Patay ang isang dating OFW matapos itong pagbabarilin sa ulo at katawan ng hindi nakilalang salarin habang sakay ng kanyang owner type jeep sa Rosario, Batangas Martes ng umaga.

Dead on the spot ang biktimang kinilalang si Nelson De Castro, 43 anyos, negosyante at residente ng Brgy. Macalamcam.

Batay sa report ng Rosario police, nakasakay ang biktima sa kanyang jeep nang harangin ito ng suspek at malapitang pagbabarilin.

Tinamaan ito sa ulo at katawan na agaran nitong ikinamatay.

Tumakas naman ang suspek patungo sa di natukoy na direksyon.

Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng kalibre .45.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa krimen at kung sino ang salarin. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.