Una sa Balita

Ulirang ina, anak ng basurero, quake survivor, rescuer pinarangalan sa ‘Love Shines’

0 373

Lumiwanag nga ang paligid sa hatid na pagmamahal ng GMA sa pinakabago nilang Christmas station ID (CSID) na “Love Shines” na unang pinalabas noong Linggo.

Naging tradisyon na ng Kapuso station ang nakakaantig-pusong Christmas campaigns nito tulad ng “PasaLove” (2009), “Share the Love” (2014), “MaGMAhalan Tayo Ngayong Pasko” (2015), at “Buong Pusong MaGMAhalan” (2017).

Muling nagsama-sama ang mga Kapuso star at respetadong News and Public Affairs personalities upang bigyan ng pahahalaga at sorpresahin ang mga taong nagpakita ng wagas na pagmamahal sa mga tao sa paligid nila.

Ilan sa mga taong kinilala nila ay ang isang inang walang pagod na binubuhat ang kanyang 22-year-old na anak na may kapansanan para lang makapasok sa school araw-araw sa loob ng 15 taon; isang anak na proud sa kanyang tatay na nagsusumikap bilang garbage collector para maitaguyod ang pag-aaral nilang magkakapatid; isang earthquake survivor sa Pampanga at ang kanyang rescuers, at marami pang iba.

Sa pagpapakita ng mga totoong kuwento ng pagmamahal at pananalig, pinatunayan ng Kapuso na lahat tayo ay may kakayahang maging isang liwanag ng pagmamahal sa ating kapwa sa anumang paraan.

Agad na naging trending topic worldwide ang Christmas campaign na #LoveShines at naka-one million views naman ang video nito matapos itong i-launch noong November 10. Umani ng paghanga mula sa netizens ang CSID dahil naipadama raw nito ang tunay na kahalagan ng Pasko at nakaka-encourage itong mag-share ng happiness, hope, at love lalo na sa mga pinakanangangailangan nito.

Komento ni Dawud Ben Olivar Oliquiano, “It will shine worldwide, not only this season but forever. Kudos GMA for this brilliant and amazing festive kind of a heartfelt storytelling of real life survivors and heroes.”

Sabi naman ni Honey May Lobedica, kasabay ng pagka-miss niya sa kanyang pamilya sa Pilipinas, naramdaman din talaga niya sa CSID na love definitely shines kahit saan ka man magpunta.

“When I watched the CSID of GMA I cried. I miss my family in the Philippines so much. This is my first Christmas away from home. Saan ka man lupalop ng mundo, don’t forget that #LoveShines in all of us. Thanks GMA for this heartwarming message.”

Mapapanood ang Christmas Station ID ng GMA sa GMA-7 at online sa www.GMANetwork.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy