Una sa Balita

Ulilang bata chef na ngayon sa Paris

0 628

SINONG mag-aakala na ang Filipino chef sa Ducasse sur Seine sa Paris, France ay isang ulilang lubos sa Pilipinas?

Noong 13-taong gulang pa lang si James Diño, namayapa ang kanyang ama kaya’t nagpaampon siya at ang kapatid sa Tuloy Foundation.

Ang foundation na itinatag noong 1993 ni Fr. Marciano ‘Rocky’ Evangelista ng Salesians sa Don Bosco, ay isang bahay na siyang umaaruga sa mga batang inabandona at inabuso upang hindi sila maging street children.

Ang mga batang may edad 9 hanggang 18 ay sinusuri ng mga social worker at child psychiatrist upang malaman kung sila ay ‘physically and mentally fit’ na sumailalim sa training upang sa kanilang pag­laki ay magkaroon sila ng mapapa­sukang trabaho.

Pinili ni James na mag-aral sa pagluluto, habang ang kapatid naman ay sumalang sa refrigerator and air conditioner technician. Natuto siya ng basic sa paggawa ng pastry at tinapay sa Filipino instructor, habang ang tagapagturo naman mula sa Pransiya, tinuruan sila ng French cuisine.

Isa si James sa sampung napili para ipagpatuloy ang pag-aaral sa Enderun Colleges kung saan nasungkit niya ang Culinary Arts Diploma. Agad siyang kinuha ng general manager ng Four Seasons Resort sa Dubai subalit noong 2016, inalok naman siya ni Chef Alain Ducasse na magtrabaho sa isa niyang restaurant sa Paris.

Masaya ngayong nagtatrabaho sa river restaurant si James, pero hindi pipitsugin ang kanyang amo dahil sa nagmamay-ari ito ng talong Michelin starred-restaurant sa Paris, Monaco at London.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy