Una sa Balita

Ulan ng Pagpapala: Kaya importante ‘yung marunong kang magpatawad

By
0 121

“May mga buhol sa bawat pamilya, sa bawat pagsasama ng mag-asawa.”

Iyan ang nasabi ko minsan sa isang bagong kasal. Nagkawentuhan kasi kami tungkol sa mga karanasan nila sa preparasyon para sa kanilang araw ng pag-iisang-dibdib. Maliit lang ang budget kaya todo tipid ang dalawa.

Naikuwento ‘ko nga ‘yung nabasa ko tungkol sa isang kasalan nu’ng kasagsagan ng bagyong Ondoy. Humanga ako sa mga ikakasal. Paano kasi, ang laki ng ginastos nila.

Talagang pinaghandaan ang importanteng okasyon. Pati siyempre ang simbahang pinili ay pinaganda nang husto.

Handang-handa na ang lahat nang bumuhos ang katakut-takot na ulan! Binaha ang mismong loob ng simbahan ng hanggang tuhod, basa silang lahat.

Pero ang mag-asawa ay marunong maging masaya sa gitna ng kalamidad. ‘Di baleng nasa gitna sila ng pagdidilim ng panahon; itinuloy nila ang kasal, nag-enjoy sa pagtatampisaw sa tubig, at ang lahat ay umuwi nang masaya.

Kaibigan, magandang paalala iyan sa ating lahat. Nabubuhay tayo sa isang mundong sinira ng kasalanan. Ang perfection na hinahanap ng marami ay hindi mangyayari hangga’t hindi nagbabalik sa lupa ang Panginoong Jesus.

Lalo naman sa mga relationships. Kapag nagagalit tayo, nagtatanim ng sama ng loob sa kapamilya o kaanak, kapag nag-iisip tayong maghiganti dahil inapi tayo, nakakalimutan natin ang isang bagay: Ang mga taong nakasakit sa atin ay puro makasalanan ding tulad natin. Ang mga bagay na nagawa nila na nagpasakit ng ating mga kalooban ay bunga ng likas nilang mga kahinaan. Tanging ang Banal na Espiritu lamang ang makapag-aayos ng mga sinisira ng diyablo sa buhay ng tao. Kaya lalo tayong maging mahinahon at mapagpasensiya kung ang nanakit sa atin ay hindi pa tunay na nakakakilala sa Panginoong Jesus.

Related Posts

“Lumapit si Pedro sa kaniya at sinabi: Panginoon, makailang ulit bang magkasala sa akin ang aking kapatid at siya ay aking patatawarin? Hanggang sa makapito ba?

Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sinasabi ko sa iyo na hindi lamang makapito kundi hanggang makapitumpung pitong ulit.” (Mateo 18:21-22)

Kapatid, kung nahihirapan kang magpatawad sa isang tao ngayon, o kung may kinikimkim kang galit kahit kanino, suggestion kong lumapit ka sa Panginoong Hesus at hingin sa Kanya ang kapangyarihang makapagpatawad. Magiging mas magaan din sa kalooban mo ang magpatawad ng ibang tao kapag na-realize mo na ikaw mismo ay nangangailangan ng pagpapatawad din! Kung hindi mo kailangan ng kapatawaran mula sa Diyos dahil sa mga kasalanan mo, hindi na dapat bumaba si Jesus sa lupa at mamatay sa krus para sa iyo.

Mahal na mahal ka ng Diyos. Gusto ka Niyang maging masaya, at peace sa sarili mo, at peace sa relasyon mo sa Kanya, at peace sa relasyon mo sa ibang tao.

Ang lagi kong sinasabi sa mga inaalagaan ‘ko sa Panginoon ay ito: Kapag nagkimkim ka ng galit o sama ng loob, wala kang ibang pinahihirapan kundi sarili mo. Paano, ang ganu’ng negatibong emosyon ay sumisira sa kagalakan at kapayapaan ng kalooban.

Kaya’t importante ‘yung kapag matutulog ka na sa gabi ay inilalagak mo sa kamay ng Panginoong Jesus ang lahat ng mga negatibong karanasang dinaanan mo sa araw na iyon. Hindi talaga makakatulong sa happiness mo iyan.

Sana, pag-isipan moa ng lang ng ito. Shalom and God bless! (zayithhebron.wordpress.com)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy