Una sa Balita

ULAN NG PAGPAPALA: Diyos na ang tiyagang makipag-usap sa akin

0 3

Hindi pa rin nawawala sa isip ko ‘yung nangyari sa akin nu’ng lumindol sa Batangas at naram­daman namin ‘yung pag-uga ng building na kinaroroonan namin sa Alabang.

Kung iisipin mo, hindi siya ‘yung tipikal na mga himalang nababasa mong ginawa ni Jesus ayon sa Bibliya.

‘Yung nagpagaling Siya ng mga bulag at mga ketongin, bumuhay Siya ng mga patay, nagparami ng mga tinapay at isda, nagpahinto ng bagyo, Nagpalakad Siya ng mga pilay.

Abante Hiring – IT dep

Alam mo, kahit hindi mo naman ako maituturing na talagang sobrang disabled at naka-wheelchair, alam ko ‘yung feeling na hindi ka ‘kumpleto’ in a sense.

Nalulungkot ka at napapayuko na lang kapag napapanood mo sa TV ‘yung mga ang gagaling mag-volleyball. Tumatalon, ini-ispike ‘yung bola, takbo rito, takbo roon para i-block ‘yung tira ng kalaban.

Volleyball player kasi ako nu’ng bata-bata pa ako. Kung alam ko lang noon na tatamaan ako ng degenerative osteoarthritis sa pag-edad ko ng singkwenta-anyos e tiyak na tiyak.

Hindi ko na tinantanan ang paglalaro ng volleyball na ‘yan hanggang sa maging marurupok na ang mga buto ko.

Nakakasisi. Malalaman mo na lang sa hulihan kung ano ang mga na-miss mo. Ibinuhos ko kasi ang maraming mga araw, buwan at taon ng buhay ko sa pag-upo sa computer. Kapag writer ka, diyan ka talaga nakatutok lagi. Kapag nasa ministry, online din madalas ang peg.

Halos lahat na ng mga bagay ngayon, ginagawa, online. E di laging na­kababad ang puwitan sa upuan. Hindi na-e-exercise ang mga binti, ang mga tuhod, hindi katulad ng dati.

Alam ko iyon. Matagal ko nang alam na hindi ‘yon maganda para sa kalusugan ko. Pero ang nangyari, naging habit ko ‘yung unahin ‘yung mga deadlines, mga kailangang dokumento ng mga kliyente, ‘yung mga ire-research sa mga ituturo. Ginawa ko ang lahat nang iyon, sa mahabang panahon, nang nakaupo.

Kaya hayun. Ganu’n ‘yung lifestyle ko nu’ng tumama ang lindol sa Batangas, at yumanig ‘yung building namin sa Alabang, at maghimala ang Panginoon para lang maalalayan ang isang anak Niyang napakatigas ng ulo pagdating sa mga bagay na pangkalusugan.

Related Posts

“Hindi ka bumabata. Mag-iba ka ng lifestyle mo.”

Parating bulong sa akin iyan ng Banal na Espiritu. Years. Years na ang bibilangin kapag sinuma total mo ang mga sandaling sinisikap Niyang kunin ang atensiyon ko.

Ngayon talaga, super nagsisisi ako sa mga maling decisions ko. Pero super thankful din ako dahil ang tiyaga ng Panginoong Jesus na makipag-usap sa akin.

Alam mo bang kaya Siya matiyaga sa iyo e dahil naiintindihan Niya ang kalagayan ng kalooban mo at mahal ka Niya despite?

Ang tiyaga Niyang maghintay sa pagbabago ko.

Wala lang. Gusto ko lang na i-share iyan sa iyo. Para hindi mo isiping ‘santo-santita’ ang nagsusulat ng Ulan ng Pagpapala. Tao rin siya, kagaya mo. Nagkakamali, nagkakasala.

Taong nagsuko ng buhay kay Jesus–kaya mayroong totoong pag-asa.

’Yun lang. Simple lang ang mensahe nga­yong araw. Pinalakad ako ng Diyos ng 15 floors pababa ng isang building nang walang nararamdamang grabeng sakit ng tuhod! Himala talaga.

Ang tiyaga Niya sa akin, kaya maaasahan talaga. Gayundin Siya sa Iyo, kaya sana’y papasukin mo na si Jesus sa buhay mo.

Pag-isipan mo nang mabuti ha? Shalom and God bless!

(zayithhebron.wordpress.com)