Una sa Balita

Ukay-ukay nasunog

By
0 84

Isang empleyado ang kumpirmadong nasawi habang sugatan ang dalawang kasamahan nito makaraang masunog ang 3-storey residential/commercial building na tindahan ng ukay-ukay sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Sa report ni Inspector Rosendo Cabillan Jr. ng QC Fire Department, nakilala ang nasawing biktima dahil sa suffocation na si Junard Oditor, 20, habang under observation naman sa East Avenue Medical Center (EAMC) sina Arnel Atiyeng, 20, at Angelito Torazo, 22, na pawang ligtas na sa kapahamakan.

Ayon kay Insp. Cabillan, sumiklab ang apoy dakong alas-3:34 ng madaling-araw sa J3 Ukay-ukay na nasa 2nd floor ng 3Tops Bldg. sa Brgy. Çuliat, Quezon City.

Stay-in workers at pawang natutulog ang mga biktima sa gusali nang mangyari ang insidente.

Bago pa kumalat ang apoy ay nagawang maka­talon sa bintana ang ilang manggagawa kahit napuno na ng makapal na usok ang gusali. Subalit naiwan ang tatlong biktima na hindi nila nagising.

Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga kagawad ng pamatay sunog kung kaya’t agad naman naapula ang apoy na idineklarang under control dakong alas-4:33 ng madaling-araw. Inaalam pa ang sanhi ng sunog. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy