Una sa Balita

Ukay-ukay front ng tulak

0 463

KALABOSO ang may-ari ng isang tindahan ng ukay-ukay matapos mahuli sa iligal na droga matapos ang ginawang anti-illegal drug bust ng Philippine Drug Enforcement Unit-Ilocos Region (PDEU-IR) sa Piddig, Ilocos Norte noong Miyerkoles.

Kinilala ang suspek na si Wilbur Jacinto, alyas Boying, ng Brgy. San Esteban, Dingras, sa nasabing lalawigan.

Nakatanggap ng ulat ang PDEU-IR hinggil sa modus na paggamit ng negosyo nitong ukay-ukay sa Brgy. 2, Anao, Piddig para matakpan ang pagtutulak kaya nagkasa ng operasyon para mahuli ito. Nakuha mula kay Jacinto ang mga plastic sachet na nag­lalaman ng shabu, drug paraphernalia at marked money na ginamit sa buy-bust.

Nakatakda nang sampahan ng kaso ang suspek. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy