Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

UK variant kumalat sa NCR, Davao, 4 region pa

0 91

UMABOT na sa anim na rehiyon sa bansa ang nakitaan ng mga nagposi­tibo sa UK COVID-19 variant.

Ayon sa Department of Health (DOH) ang mga sample na nakitang positibo sa umano’y mas nakahahawang UK variant ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR), Calabarzon (Cavite, Laguna, Bata­ngas, Rizal, Quezon), Central Visayas, Northern Mindanao at Davao Region.

Gayunman ay sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na kulang pa ang mga ebidensiya para makumpirmang may community transmission na ng UK variant sa bansa.

“Walang malinaw na puwedeng sabihin o conclusion kung ano ba talaga ang epekto ng variants na ito sa pang­kalahatang kaso ng COVID-19,” ayon kay Duque.

Gayundin ay hindi pa maiuugnay sa variant ang pagtaas ng COVID-19 cases sa ilang lungsod sa NCR.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na patuloy pa ang pagsusuri ng Philippine Genome Center (PGC) at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) kaugnay sa mga na-detect na l va­riants.

Una nang iniulat ng DOH na may 18 kaso ng bagong UK variant ang naitala sa Pilipinas dahilan para ­umabot sa 62 ang kaso na kinabibilangan ng 13 returning overseas Filipino na dumating mula Enero 3 hanggang 27.

Kasama rin ang tatlong kaso na nakumpirmang may mutation na N501Y at E484K, na pawang mga taga-Central Visayas.

Ang mga naturang mutation na natukoy sa Visayas ay natukoy na rin sa variants sa ibang bansa, gaya ng UK variant, South African at Bra­zilian.

Kaugnay nito ay inabisuhan ni Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire ang mga lokal na pamahalaan na maging mas mahigpit sa pagpatutupad ng health protocols, kabilang ang pagsasagawa ng localized lockdowns. (Juliet de ­Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.