Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

UK variant ‘di kumalat sa ‘Pinas -OCTA

0 408

Naniniwala ang OCTA Research Group na nakapasok na sa Pilipinas ang bagong UK variant pero hindi kaagad kumalat.

“Feeling namin nakapasok na ang bagong variant pero hindi lamang agad kumalat o hindi lamang gaano karami ang kaso,” ayon kay Dr. Guido David ng University of the Philippines–Institute of Mathematics professor at OCTA research member.

“’Yung mga sinequence ng Philippine Genome Center nag-sequence sila randomly ng samples pero wala pang na-detect. Pero hindi ibig sabihin wala pa talaga rito… Thirty samples ‘yun, randomly selected, pero it’s possible na hindi siya ganu’n karami based sa statistics,” dagdag pa ni David .

Una nang inianunsiyo ng Department of Health (DOH) at Philippine Genome Center nitong Miyerkoles na na-detect na ang unang kaso ng UK variant sa isang negosyanteng biyahero mula sa United Arab Emirates noong Enero 7.

Ang UK variant ay mas madali ng makahawa pero hindi naman masyadong mabagsik.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.