UK tutulong sa pag-trace ng bagong COVID

Nakahandang tumulong ang pamahalaan ng United Kingdom para sa mabilis na pagtukoy ng mga dinapuan ng bagong variant ng COVID-19 sa mga bansa na wala pang sapat na kakayahan para gawin ito.

Inihayag ng UK na marami na silang nagawang genome sequencing para sa bagong COVID at kanila ring ilulunsad ang isang assessment platform na maaaring gamitin sa pagtukoy ng mga bagong variant ng coronavirus at sa mga pandemyang magaganap sa hinaharap.
Sa kasalukuyan, tatlong variant pa lamang ng COVID-19 ang nadiskubre sa UK, South Africa at Brazil.