Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

UK, South African variant kumalat sa NCR

0 142

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng mga bagong kaso ng United Kingdom (UK) at South African variant sa National Capital Region (NCR) at mga umuwing overseas Filipino worker (OFW).

Base sa ulat ng DOH, nasa 52 bagong kaso ng South African variant (B.1.351) ang kanilang naitala, 31 karagdagang kaso ng UK variant (B.1.1.7), at mayroon pang 42 `mutations’ mula sa 350 sample na sinuri ng UP-Philippine Genome Center.

Ayon sa DOH, galing ang mga sample sa Metro Manila at mga umuwing OFW. Mayroon ding sample galing sa Central Visayas.

Mula sa 52 kaso na nagpositibo sa South African variant, 41 umano ang may “indicative address” sa NCR habang 11 ang beripikadong mga local cases. Isang pasyente sa NCR ang nakarekober samantalang may 51 pa ang kasalukuyang aktibo.

Sa mga bagong kaso ng UK variant ay 28 umano ang may “indicative address” sa NCR habang tatlo ang beripikadong local cases. Lahat ng ito ay mga aktibong kaso.

Mula naman sa 42 kaso ng “mutations of potential clinical significance” ay 34 ang posibleng nakatira sa Central Visayas, anim sa Metro Manila at dalawa ang beripikadong mga local case.

Ayon sa DOH, patuloy ang ugnayan nila sa mga pamahalaang lokal sa mga nabanggit na rehiyon para matugunan ang pagkalat ng mga COVID-19 variant.

COVID sumirit, 3K bagong kaso

Sumirit sa mahigit 3,000 ang bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa, ayon sa datos ng DOH nitong Biyernes.

Sa COVID-19 Case Bulletin No. 356, nakapagtala ng 3,045 bagong kaso kaya umakyat na sa 587,704 ang kabuuang kaso ng coronavirus sa bansa.

Nasa 178 naman ang bagong gumaling dahilan para umabot na sa 535,207 ang kabuuang nakarekober sa COVID-19.

Habang nakapagtala ng 19 na bagong nasawi kaya umakyat sa 12,423 ang kabuuang namatay sa virus.

Mayroong 40,074 aktibong kaso sa kasalukuyan batay pa sa DOH.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.