Una sa Balita

Uhaw ng Sta. Lucia tatapusin ni Mika

0 462

TARGET ng Sta. Lucia Lady Realtors, sa tulong ni new ­acquisition Mika Reyes at import Shainah Joseph, na makuha ang ­kampeonato sa Philippine SuperLiga Grand Prix 2020.

Bukod kay veteran middle hitter Reyes, anim pang bagong player ang nadagdag sa koponan kabilang sina Royse Tubino, Marge Tejada, Bang Pineda, Djanel Cheng, Aie Gannaban at ­Fil-American Jessica Vestal.

Matatandaan na silver finish din ang Lady Realtors sa ­three-day preseason tournament ng PSL nitong Pebrero 3, 5 at 6.

“Uhaw ‘yung team namin sa panalo. Ngayon pinipilit namin trabahuhin ‘yung one hundred percent para makapasok sa ­finals,” sambit ni head coach Eddieson Orcullo.

“Siguro ang mapapangako lang namin kada laban na ­gagawin naming, ibibigay namin lahat ng puwede naming ­ibigay para makuha ‘yung panalo.”

Unang makakaharap ng Sta. Lucia sa opening day ng liga sa Pebrero 29 ang PLDT Home Fibr Hitters alas-7 gabi sa FilOil ­Flying V Centre. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More