Una sa Balita

“UGLY IS ALSO BEAUTIFUL!” — KRIS BERNAL

0 0
kris-bernal
Kris Bernal Photo by Boy Borja

Mega-rampa ala-beauty queen si Kris ­Bernal sa Yes! 100 Most Beautiful Stars sa Luxent Hotel.

At kaloka lang na ­parang 7-inches yata ang heels na suot niya, kaya ingat na ingat siyang maglakad, dahil mahirap na nga naman, na ang ganda-ganda ng red gown niya, ng ayos niya, pero sa carpet ng hotel ang bagsak niya.

“True beauty is not seen by your contours, not about looking younger, thinner, or the latest ­version of “hot”.

I hope we avoid or stop judging one ­another based on looks or by a recent photo just posted. Cause ugly is also beautiful. It’s within the heart and soul that ­matters,” sey ni Kris.

Well, marami man ang nagsasabing ang payat-payat ni Kris, para naman sa ibang babae na nakakasalubong niya, halos mamatay sila sa inggit sa katawan ng aktres na bida sa Impostora.

Para sa kanila, hinding-hindi na nila maa-achieve ang katawan ni Kris, ­kahit ano pa ang gawin nila.

“Mas tumaba na nga ako ngayon, kesa nung sa FHM. Ngayon may laman na ako! Malakas akong kumain, pero ito na siguro talaga ang body frame ko,” sey ni Kris.

Anyway, sobrang naa-appreciate nga ni Kris ang mga taong humahanga sa kanyang kaseksihan.