Una sa Balita

UE Red Warriors buwenasin kaya kina Suerte, Mendoza?

0 270

KULELAT nitong nakaraang taon, balak pa ring magpasiklab ng University of the East Red Warriors sa 82nd University Athletic Association of the Philipines men’s basketball tournament 2019.

Rarampa si team captain Philip Manalang sa Recto-based dribblers upang makaahon sa 1-13 win-loss record na sinapit sa 81st edition.

Bigatin ang mga dumagdag sa pwersa ng Warriors sa pagdating nina two-time CESAFI MVP Rey Suerte at former JRU star Jed Mendoza.

Sabak agad ang UE Red Warriors sa opening game ng liga sa Setyembre 4 kung saan makakatapat ang UST Growling Tigers sa Smart Araneta Coliseum, Quezon City. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy