Una sa Balita

UCT budget para sa 10M pamilyang Pinoy — Salceda

0 366

DAGDAG na P12 bilyon ang ilalaan ng 2019 budget ng pamahalaan para sa Unconditional Cash Transfer (UCT) program nito na pakikinabangan ng 10 milyong pamil­yang mahihirap.

Saklolo ito ng gobyerno sa epek­to sa kanila ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN).

Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda na nasa likod ng UCT at TRAIN, dahil sa dagdag na budget ay aabot na sa P36 bilyon ang dati nang laan para sa mahihirap.

Kaya naman ang dating P200 na buwanang UCT ay magiging P300 na.

Isang kilalang ekonomista, ipinanukala ni Salceda ang UCT bilang bahagi ng TRAIN. Manga­ngahulugan ito ng karagdagang 6.7% kita ng pinakamahihirap na kababayan.

Ang pondo nito ay magmumula sa dagdag na buwis sa gasolina na ang 54% ay ginagamit ng 20% lamang ng mga Pinoy na maykaya.