Una sa Balita

UCSAA pre-season gaganapin sa AMA

0 309

DIDRIBOL na ang pre-season ng University College School Athle­tic Association (UCSAA) simula Mayo 18 sa AMA University Quezon City at isa ang AMA seniors na lalahok.

Kinabibilangan ito ng iba’t ibang eskuwelahan sa Metro Manila at nagpapasalamat ang AMA University at ang inyong lingkod sa UCSAA dahil sa kanilang pag-imbita sa amin dahil ang ligang ganito ay makakakita ka ng mga de-kalidad na mga manlalaro na puwede sumabak sa mataas na liga gaya ng PBA D-League.

Isa ang Fr. Martin Tournament na pinakamatagal nang pre-season tournament sa Pilipinas na pinamumunuan ni veteran coach Ato Badolato at ni Bert dela Rosa.

Itong ligang ito ay nilalalaruan ng mga team na galing sa NCAA at UAAP gaya ng San Beda, University of the Philippines, Ateneo, National University, A­damson, Letran at pati NAASCU team gaya ng AMA University na kasali ang juniors at seniors team sa suporta ng aming Chairman Amb. Amable R. Aguiluz V, President Dr. Amable C. Aguiluz IX, Sir Emil Soriano at Sir Jay Villarruz.

***

Napanood ko ang ganda ng laban sa MPBL championship laban sa Davao-Cocolife at San Juan kamakailan. Habang isinusulat ko ang kolum na ito ay nagbabakbakan na sila sa do-or-die Game 5 finals kagabi.

Grabe ang bakbakan ng dalawa simula hanggang dulo at masasabi ko na napakaganda pareho ng sistema na ipinakita nila na nagsimula sa mga coaches ng bawat koponan.

Nagpapasalamat ako sa pag-imbita ng mga kaibigan natin mula sa Davao-Cocolife simula kay Sir Otep Ronquillo, Sir Ray Alao, Coaches Arvin & Nonoy Bonleon at kay Coach Manu Inigo.

Good luck sa inyo!

***

Binabati ko ng maligayang kaarawan sina Kobe Cruz, JP Magpayo at Eric Magpayo at ang team ng aking dating player sa PBL Burger king at Mail & More na si Kiel Misa ng KM4 Basketball Club na naglaro sa Vietnam, ang ASEAN Basketball Club tournament.

Nagpapasalamat si coach sa mga magulang na walang sawang sumusuporta sa kanyang team at si Bryan Gordon na parating nandiyan kapag kailangan at good luck sa 13 under elite-Octagon Tires & Accessories team na lalahok sa MBT at YBC league na pinangungunahan ni Andre Herrera, Irus Chua, Geof Lopez, Jaqui Sison, Nash Balina, Uno Prado, Gavin Kua, Sky Tan, Damon Dumangcas, Jaquin Maneja, Sebastian Manalad at Giroh Caceres na pawang mga future ng Pilipinas Basketball.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy