Una sa Balita

UCPB sinupalpal ng SC sa sobrang paniningil ng utang

By
0 521

Kinumpirma ng Supreme Court (SC) ang naunang desisyon noong 2017 na humaharang sa United Coconut Plan­ters Bank (UCPB) na maningil ng sobra sa pagkakautang ng mag-asawang may loan sa nasabing bangko.

Napapaloob sa 23-pahinang Reso­lusyon, ipinonente ni SC Chief Justice Lucas Bersamin, ibinasura nito ang “motions for reconsideration” ng respondents na UCPB, Asset Pool A, Revere Realty Corp. at ni Jose Go; ang motion to inhibit ng Third Division at ang ma-reassign ang kaso sa ibang dibisyon ng SC sa pamamagitan ng raffle; at ang urgent motions na i-refer ang kaso sa Court En Banc.

Idineklara ng SC na may nagawang ‘bank fraud’ o panlilinlang ang UCPB sa mga petisyuner na sina Felix A. Chua at Carmen L. Chua.

Ayon sa SC hindi dapat lumobo sa mahigit P200 milyon ang obligasyon ng mag-asawang Chua ng wala silang ‘consent’.

“UCPB’s deceit and fraud is most evidence in its unjustified refusal and failure to present proof of Jose Go’s indebtedness despite repeated demand by the petitioners. Moreover, UCPB’s unwarranted application of the foreclose proceeds to the liabilities of Jose Go — which, to reiterate, have not been established — also manifests bad faith that warrants the award of da­mages,” ayon sa hatol ni Justice Alfredo Benjamin Caguioa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy