Una sa Balita

Ubusin ang mga pasaway sa kalye

0 430

Tagumpay ang inilunsad na ‘one time, bigtime’ operation na magkatuwang na inilunsad ng Land Transportation Office (LTO) at Highway Patrol Group (HPG).

Maraming moto­ristang nabuking na hindi nakarehistro ang mga sasakyan at may ilan ding nahuli dahil sa pagmamaneho nang walang helmet at seatbelt.

Kabilang sa nahuli ay isang kagawad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at dalawang pulis.

Saludo tayo sa hakbang na ito ng LTO at HPG para madisiplina ang mga kababayan nating motorista na tila wala nang kinikilalang batas lalo na kung walang nakabantay na mga awtoridad.

Related Posts

Sa tingin ko mas magiging epektibo ang ginagawang ito ng LTO at HPG kung sorpresa ang kanilang operasyon.

Maaari ring gawin itong buwanan upang sa gayon ay maubos na ang mga pasaway sa kalsada na kadalasang nagiging ugat ng krimen at paglala ng problema natin sa trapiko.

Sa pamamagitan ng hakbang na ito ng LTO at HPG ay baka sakaling manumbalik ang disiplina ng mga motorista at mala­king tulong ito upang maging ligtas ang pagbibiyahe nating lahat.

Kaya sa mga nasa likod ng operasyong ito, saludo po ang inyong lingkod at hangad namin ang mas marami pang matagumpay ninyong operasyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More