Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ubra kaya? People’s initiative nilalakad para bumalik ang ABS-CBN

0 363

Lumutang ang isang batas na posibleng sandigan ng ABS-CBN at mga sumusuporta dito para makabalik sa himpapawid ang kanilang network sa kabila ng pagbasura kanilang franchise renewal sa Kongreso.

Sa tweet ni dating Presidential Management Staff Undersecretary Herminio Bagro III, binuksan nito ang paksa tungkol sa RA No.6735 o ang ‘The Initiative and Referendum Act’ o mas kilala sa tawag na People’s Initiative Act.

Sa ilalim ng nasabing batas na inakda noon nina dating Senador Raul Roco at Neptali Gonzales, nakasaad na pwedeng magpasa, mag-reject, magbago o mag-propose ng isang ordinansa, resolusyon, o batas ang mga Pilipino.

Para mapatupad ang nasabing batas, kinakailangan ng 10 porsyento ng pirma ng buong populasyon ng mga registered voter sa bansa, gayundin ang pagkuha ng 3 porsyento naman sa bawat distrito dito.

https://twitter.com/thirdbagro/status/1281503949107781635

Ngunit tingin ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, malabong maipasa ang prangkisa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng People’s Initiative Act.
Aniya, hindi kakayanin na makakolekta ng aabot sa milyong pirma, at kung susubukan man ay aabutin ng ilang taon bago ito matapos.
“I doubt magagawa nila ‘yan by people’s initiative. 10 percent makukuha nila? 10 percent of 110 million people?” pakli ni Enrile sa dzAR.
“And then for every district kailangan [3 percent]. Baka matapos isang siglo hindi natin makukuha yon eh,” aniya pa.
Saad ni Enrile, sa ngayon ay wala nang magagawa ang network para isalba ang kanilang prangkisa, at ang maari na lang gawin ay maghain muli ng panukalang batas para dito. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.