Una sa Balita

Ubial asar-talo kay Sotto

By
0 115

Matapos ang tatlong confirmation hearing, ibinasura kahapon ng Commission on Appointments ang ad interim appointment ni Department of Health (DOH) Secretary Paulyn Jean Ubial.

Kasabay nito, mistula namang inasar pa ni Se­nate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto si Ubial sa naging pahayag ng senador na “Smoking is dangerous to your health, like lying is dangerous to your commitment.”

Ang pahayag ni Sotto ay kaugnay ng isa sa na­ging isyu laban sa appointment ni Ubial kung saan ibinunyag ni dating Philhealth interim president at chief executive officer Hildegardes Dineros na nagsinungaling si Ubial nang ipagkalat nito na nag-resign siya sa ahensya gayung pinatalsik siya nito.

Sa kabuuan ng hea­ring, apat na oppositors ang nagharap ng kanilang pagtutol sa kumpirmasyon ni Ubial.

“Many issues were raised, too many to mention but during the conduct of hearings which are exhaustive, individual and collective consensual judgment call ang ginawa,” sabi ni Sen. Gregorio ‘Gringo’ Honasan, chairman ng CA committee on health.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy