Una sa Balita

Uber dapat maturuan ng leksyon — Poe

By
0 1

Pinagsabihan kahapon ni Senador Grace Poe ang pamunuan at pangasiwaan ng Uber Systems Inc. na huwag masyadong sakim at sumunod sa mga regulasyon.

Ito’y matapos na patawan ng isang buwang suspensyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng Uber dahil sa pagsuway sa naunang kautusan ng ahensiya na tigilan na muna ang pagtanggap ng mga bagong aplikasyon.

“They’re a business. We have to remind them, don’t get too greedy. The fact that they accepted applications after they were already told to stop accepting, it shows that the firm did not come to this in good faith,” ayon kay Poe.

Dahil dito, nararapat lamang umanong bigyan ng leksiyon ang Uber upang ito’y magtanda.

“Uber was obviously skirting the law. Uber did commit a violation and they need to be taught a lesson they will not soon forget,” giit ni Poe.

Pinulong kamakalawa ni Poe, bilang chairperson ng Senate committee on public services, ang mga kinatawan ng Uber at LTFRB upang ayusin ang kanilang gusot.

Sa naturang pulong ay aminado ang Uber sa kanilang pagkakamali at nangakong susunod sa LTFRB.