Una sa Balita

UB tokpa sa Philtobo

0 349

TIYAK na masisiyahan ang bayang karerista ngayong araw dahil magaganap ang malupit na pakarera ng Philippine Thoroughbred Owners and Breeders Organization, Inc. (Philtobo) at Philippine Racing Commission (Philracom) na pasisibatin sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City sa Batangas.

Pakawalan sa unang karera ang 2019 PHILTOBO Juvenile Championship kung saan markado si Union Bell na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey­ of the Year Jonathan Hernandez.

May distansyang 1,600 meter race ang karera na may nakatayang P3M guaranteed prize. Nakalaan ang P1.8M sa unang kabayong tatawid sa meta habang P675,000 ang hahamigin ng second placer.

Kukubrahin ng pangatlo ang P375,000 at P150,000 naman para sa fourth.

Inaasahang mabibigyan ng magandang laban si UB nina Boy George at Exponential. Ang ibang kalahok ay sina Four Strong Wind, Sarangani Island at Make Some Noise.

Tatanggap din ng trophy ang horse owner, trainer at jockey mula sa Philtobo at Philracom. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy