Una sa Balita

UAE OFW na nakapatay ng manyakis na amo, lumaya na

0 1,108

NAKALAYA na ang overseas Filipino worker (OFW) na si Jennifer Dalquez, matapos itong makulong dahil sa pagpatay sa kanyang amo na nagtangkang gumahasa sa kanya sa United Arab Emirates (UAE), noong Disyembre 2014.

Si Dalquez ay maaaring makauwi na sa bansa ngayong araw. Inanunsyo ng Migrante Internatio­nal ang paglaya ng Pinay sa isang statement nitong Huwebes. “We rejoice with her loved ones as we anticipate their soon reunion to celebrate her freedom and new beginning.”

Hinatulan ng kamatayan si Dalquez noong 2015 dahil sa pagpatay sa kanyang amo noong 2014. Depensa naman ng Pinay mula sa General Santos City, ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili dahil tinangka siyang halayin noong Disyembre 7, 2014.

Subalit hindi siya sinukuan ng Philippine Embassy sa UAE at inapela ang kaso hanggang sa maabsuwelto ito ng Court of Appeals ng Al Ain noong Hunyo 2017.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy