Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

UAE deployment arangkada na: 100K household worker dadagsa

0 91

Nasa 100,000 overseas Filipino worker (OFW) ang naghihintay sa pagbabalik ng deployment ng mga household service worker (HSW) sa United Arab Emirates (UAE) na magiging epektibo sa katapusan ng Marso, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.

Sinabi ito ni Bello matapos lumagda ang Pilipinas at UAE sa isang “makasaysayang” kasunduan para sa pagpapatuloy ng deployment ng mga HSW sa Emirates.

SM food to go Banner Ad

Nauna nang sinabi ni Philippine delegation head Undersecretary Claro Arellano na ang bagong pag-deploy ay sasakupin na ng isang kontrata para maprotektahan ang mga OFW na nagtatrabaho bilang kasambahay sa UAE.

Una nang ipinaliwanag ng DOLE na sa ilalim ng pinag-isang kasunduan, may pananagutan ang employer, foreign at local recruitment agency kapag may nangyari sa OFW. (Mina Navarro)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.