Una sa Balita

UAAP: UST, FEU IIWAS SA ATENEO

By
0 4

Mga laro ngayon (Moro Lorenzo Field)
2:00 p.m. — DLSU vs. UST (m)
4:00 p.m. — Ateneo vs. FEU (m)
6:30 p.m. — UP vs. NU (m)

Panigurado na ang University of Santo Tomas at Far Eastern University sa Final Four ng UAAP Season 79 men’s football, pero puwede pang mabago ang kanilang puwesto depende sa resulta ng kanilang huling laban ngayong araw.

Nasa fourth spot ng team standings ang Growling Tigers kapit ang 20 points, kaharap nila ang laglag ng De La Salle sa first game mamaya sa Moro Lorenzo Field. Katapat ng No. 3 Tamaraws (22 pts.) ang league-leader Ateneo sa second match.

Makakalaban naman ng defending champion University of the Philippines ang semplang na ring National University sa huling laro.

Swak na sa Nos. 1 at 2 spots ang Blue Eagles at Fighting Maroons matapos ilista ang 32 at 28 puntos.

Parehong umiiwas sa No. 4 ang FEU at UST kaya importante sa kanila ang huling laro.
Makakalaban ng No. 4 ang Ateneo sa semifinals sa Abril 30.

Toka ng UP ang ranked No. 3 sa isang pares ng semis.

Dahil sa mabangis na pinapakita ng Blue Eagles, iiwas ang Tigers at Tamaraws na makatapat ang mga taga-Loyola sa Final Four.

Para kay UST coach Marjo Allado bigay-todo pa rin sila para paghandaan ang kanilang second straight semis stint.

“Yung puso ng UST, they never give up para lang manalo,” saad ni ­Allado.