Una sa Balita

UAAP: UE booters ganado sa huling laro

By
0 3

Mga laro sa Abril 20:
(Moro Lorenzo Field)
2 p.m. — DLSU vs UST (Men)
4 p.m. — ADMU vs FEU (Men)
6:30 p.m. — UP vs NU (Men)

Kahit laglag sa semifinals ang University of the East, ipinakita nila na ganado pa rin sa kanilang huling laro sa UAAP Season 79 men’s football sa Rizal Memorial Stadium noong Linggo ng gabi.

Tinipa ni Krysler Opeña ang nag-iisang iskor para sa Red Warriors sa 82nd minute sapat para pataubin ang Adamson University, 1-0 at ilista­ ang tatlong sunod na ­panalo.

Binansagang giant killer matapos kaldagin ang mga sumampa sa Final Four na Far Eastern University at Ateneo, lumanding ang UE sa se­venth place na may 14 points.

Ayon kay rookie coach Fitch Florence Arboleda, naghahanda na ang kanilang koponan para sa susunod na season

“‘Yung mga players­ ko sobrang ready for next season. Walang mawawalang mga pla­yers, sana may dumagdag,” wika ni Arboleda. “Last three games namin, wala kaming mali. Good thing, ‘yung conversion ng mga goal, galing sa mga play namin,”

Nasa ilalim ng team standings ang Falcons bitbit ang three points.

Nagtala ng isang panalo ang Adamson U nang pagpagin nila ang De La Salle sa first round.

Bukod sa Blue Eagles at Tamaraws ang ibang teams na umentra sa Final Four ay ang University of the Philippines at University of Sto. Tomas.