Una sa Balita

UAAP: Title duel kontra La Salle target ng UST

By
0 4

Magbabalik ang UAAP Season 79 ­women’s football tournament bukas sa FEU-Diliman pitch, kung saan ­target ng University of Santo ­Tomas na selyuhan ang kanilang title duel kontra De La Salle.

Bago ang three-week break dahil sa sinabakang qualification para sa 2018 AFC Women’s Asian Cup, nasa tuktok ang Lady Archers na may maximum 18 points habang segundo ang Tigresses ­sakmal ang 10 puntos.

Sa huling dalawang laban ng UST kailangan lang nilang manalo ng isa o da­lawang tabla para ma­ayos ang kanilang finals date sa De La Salle sa Mayo 7.

Ang panalo ng ­Tigresses sa laglag nang Far Eastern University sa Miyerkules, (bukas) ang magsasampa sa kanila sa one-match ­final ­laban sa Lady Archers.

Sakaling sumalto ang UST, may isa pa silang tsansa, yun ay ang talu­nin ang De La Salle sa ­final eliminations match sa Linggo sa FEU-Diliman pitch.

Para sa Ateneo at ­University of the Philippines, wala sa kanilang mga kamay ang paghadlang sa banggaan ng Lady Archers at Tigresses sa championship.

Makakatapat ng De La Salle ang UP sa isang pares ng laro, sasandalan ng Lady Archers si league’s leading goal scorer Sara Castañeda na bayani sa pagkaka­panalo ng Pilipinas sa qualification para sa Asian Cup sa Amman, Jordan sa ­susunod na taon.

Mahigpit ang panga­ngailangan ng Lady ­Archers sa pagsampa sa cham­pionship round dahil nabigo ang kanilang men’s team na umentra sa Final Four.

Ibabandera naman ng UST si Charisa Lemoran na may apat na goal ngayong season.