Una sa Balita

UAAP opening dinagundong ni Steph; 2NE1-Minzy, Sponge Cola rumakrak

By
0 252

BONGGANG pasabog ang ikinasa ng National U sa opening ng UAAP Season 81 sa MOA Arena kahapon.

Napagsama-sama ng hosts university ang mga bigating pangalan sa sports at entertainment.

Una siyempre sa listahan si two-time MVP at three-time NBA champion Stephen Curry.

Ang Golden State Warriors superstar ang nanguna sa oath-taking ng student athletes. Mas nauna pa ang ‘ooohs’ at ‘aaahs’ ng mga atleta kaysa pagsunod sa pagbigkas ni Curry ng oath.

Nasa Manila si Curry bilang ba­hagi ng kanyang Under Armour Asian Tour para i-launch ang bagong Curry 5s, suot niya ang kulay dilaw na sapatos sa venue.

Nagbigay-saya rin si South Korean singer, songwriter at dating 2NE1 member Minzy na pinarinig ang “Ninano” mula sa album na Minzy Work 01: Uno.

Pakilig naman ang loveteam nina James Reid at Nadine Lustre, dahil marami rin palang JaDine fans sa UAAP.

Rakrakan naman ang hatid ng bandang Sponge Cola. (Vladi Eduarte)