Una sa Balita

Lady Tams pinaglaruan ng Lady Bulldogs

By
0 1

Minasaker ng defen­ding three-time champion National University ang Far Eastern University 71-48 kahapon sa UAAP Season 80 women’s basketball sa Smart Araneta Coliseum.

Tumikada si Ria Nabalan ng 15 points, may 14 points at 14 rebounds si Rhena Itesi para sa Lady Bulldogs na pinahaba ang winning streak sa 53 games.

Bumakas din si Jack Daniel Animam ng 11 markers, 23 rebounds at six blocks para sa NU na nilista ang 5-0 card ngayong season.

Kumayod si Jem Angeles ng 20 points, tumikada si Sai Larosa 14 markers, nine rebounds at three assists para itaguyod ang University of Santo Tomas sa 71-65 win kontra Ateneo.

Nasa solo second ang Tigresses hawak ang 4-1 card. 

Plakda ang Lady Eagles at Lady Tamaraws sa fourth bitbit ang tig 2-3 cards.