UAAP: Lady Bulldogs sinakmal ang UST softbelles


Standings:
             W    L
AdU      4    0
NU        3    1
UST      2    2
UE        2    2
UP        1    3
DLSU    1    3
ADMU   1    3

Hinablot ng National University Lady Bulldogs ang solo-second nang sakmalin ang University of Santo Tomas softbelles sa UAAP Season 79 softball tournament sa Rizal Memorial Stadium noong Huwebes.

Pinatakbo ni Mia Macapagal si Aimee Watson sa home para sa National U via sacrifice fly para iiskor ang ta­nging run at wakasan ang laro sa eighth inning.

May tsansa sana ang NU na magwagi sa re­gulation matapos magkasiksikan sa bases, pero na-tag out si Watson sa second base para sa final out ng seventh.

Umangat ang Lady Bulldogs sa 3-1, isang laro ang pagitan sa unbeaten Adamson, na blinangko naman ang University of the Philippines, 14-0.

 “Sabi ko nga I’m getting used to this kind of games. Sabi ko nga parang nasa­sanay tayo dito (close games) pero maganda ‘yun eh, pampatibay ng dibdib,” komento ni Lady Bulldogs head coach Egay delos Reyes.

“Talagang gusto nila eh. They really wanted to win the game. Sinabi ko na kung sino talaga gusto manalo ibibigay yan,” dagdag pa niya.

SHARE