Una sa Balita

UAAP: La Salle gigitgit sa F4

By
0 5

Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Stadium)
3 p.m. — UST vs FEU (Men)
5 p.m. — ADMU vs DLSU (Men)
7 p.m. — UE vs AdU (Men)

Sisikapin ng De La Salle na makipaggitgitan sa natitirang Final Four berth pagharap sa Ateneo ngayong araw sa UAAP men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Nasa pang-anim na puwesto ang Green Archers tangan ang 15 points, dalawang puntos na hinahabol sa No. 4 na University of Sto. Tomas.

Kapag natalo ang La Salle, goodbye na sa Final Four. Solo sa tuktok ang Ateneo dakma ang 29 pts.

Pakay naman ng Growling Tigers na palakasin ang kapit sa magic four, katapat nila sa alas-tres ang FEU. May 17 puntos ang UST abante ng 1 pt. sa National University na nasa fifth.

Nalagay sa alanganin ang De La Salle sa ambisyon nilang sumampa­ sa semifinals matapos ang 1-2 loss sa defending champion University of the Philippines nakaraan.

Nag-aagawan sa hu­ling slot ang Archers, Tigers at Bulldogs.

Bawas ang bagwis ng Ateneo, hindi makakalaro ang kanilang ace striker na si Jarvey Gayoso dahil suspendido ito kaya naman malaki ang tsansa ng DLSU na makarebanse matapos ang 0-1 defeat sa first round.