Una sa Balita

UAAP FOOTBALL: LADY EAGLES SINIPA NG TIGRESSES

By
0 8

Dumaan sa ­butas ng karayom ang ­University of Sto. ­Tomas upang patalsikin ang Ateneo, 5-4 kahapon sa semifinals ng UAAP Season 79 women’s football tournament sa Rizal Memorial Football Stadium.

Umiskor ng dalawang beses si Charisa Lemoran habang may tig-isa ang tatlong ­Tigresses upang i-set ang kanilang one-game championship laban sa undefeated De La ­Salle University.

Bakbakan mula umpisa hanggang matapos, tumikada si Chri­selle Cleofe sa ­seventh minute at saka ­sinundan pa ng isa ni Mary Joy Indac para hawakan ng Tigresses ang 2-0 lead.

Hindi nagpaiwan ang Lady Eagles, tumikada si Tiffany Siy sa 31st ­minute para sa ­unang puntos ng Ateneo.

Dumagit pa ng ­dalawang sunod na puntos ang Lady ­Eagles para makuha ang manibela, 3-2 sa 41st minute.

Bumangis ang Tigresses sa second half, sumakmal ng ­dalawang puntos para maagaw ang bentahe, 4-3.

Matapos isalpak ni Lemoran ang kanyang unang puntos, ­nilista nito ang pangalawa para ilagay ang UST sa unahan, 5-3 sa 79th minute.

Sa Linggo ilalaro ang Finals na mag-uumpisa ng ala-sais ng gabi sa parehong lugar.