Una sa Balita

UAAP football: Championship face-off ngayon

By
0 10

Mga laro ngayon:
(Rizal Memorial Stad­ium)
3 p.m. — ADMU vs FEU (Men’s Finals)
6 p.m. — DLSU vs UST (Women’s Finals)

Wala nang bukas para sa magbabanatang Ateneo at Far Eastern University sa finals ng UAAP Season 79 men’s football sa Rizal Memorial Stadium.

Maghaharap ang Blue Eagles at Tamaraws para sa one-game championship mamayang alas-tres ng hapon habang magtatapat sa women’s finals ang De La Salle at University of Sto. Tomas sa pangalawang laro (6 p.m.).

Bumalik sa championship round ang Far Eastern University matapos ang isang taong pagliban.

Sa semifinals, nakalusot ang Blue Eagles sa Growling Tigers, 2-1, habang tinapos ng Tamaraws ang pamamayagpag ng University of the Philippines, 2-1, noong Huwebes.

“‘Yun ang mga team na hindi mo sila dapat i-underestimate sa UAAP. Marami silang key players,” patungkol ni Eagles coach JP Merida sa Tamaraws.

Puntirya ang 11th title, sasandalan ng FEU ang graduating skipper Paolo Bugas kasama sina team’s goal-scorers Rico Andes, Alex Rayos, Audie Menzie, Val Jurao, at keeper Ray Joyel.
Nakatuon naman ang Ateneo sa kanilang seventh crown.

Nabigo nakaraang season sa Fighting Maroons, mas solido ang Blue Eagles ngayon dahil kina Jarvey Gayoso, Jarvis Jordan, Enzo Ceniza, Sam Ong, at goalkeeper AJ Arcilla.

“Talking about the team, I think we are ready and hungry towards getting back from what we lost last year,” hayag ni Gayoso, ang league’s top goal-scorer sa eliminations na may siyam.