Una sa Balita

UAAP: FEU BOOTERS HAHABOL SA SEMIS

By
0 1

Mga laro ngayon (Moro Lorenzo Field)
2:00 p.m. — Adamson vs. FEU (m)
4:00 p.m. — UE vs. Ateneo (m)

Target ng Far Eastern University na makapag­laro muli sa Final Four pagharap nila sa Adamson sa UAAP Season 79 men’s football tournament sa Moro Lorenzo Field.

Nabigong ­sumampa sa semifinals noong nakaraang taon, laban sa kulelat na Soaring Falcons ay tatangkain ng Tamaraws na suwagin ang isa sa dalawang natitirang slots.

Abante Hiring – IT dep

Nakatoka sa league-leading Ateneo ang University of the East sa ­pangalawang laro.

Nasa third spot ang FEU kapit ang 19 points, tatlong puntos na abante sa National University na nakasilong sa labas ng magic four.

Naudlot ang pagsikwat ng upuan ng Tamaraws sa Final Four nang gulatin sila ng Red Warriors 1-2 noong Sabado.

Pangungunahan ni Rico Andes, umiskor na ng apat na goals ngayong season, ang atake ng FEU.

Wala ng tsansa ang Falcons na makahirit sa F4 dahil tatlong puntos pa lang ang kanilang nalilikom.

Hawak ang 29 markers, inaasahang magiging palaban pa rin ang Blue Eagles kahit no-bearing ang laro.

Pagkatapos ng UE, sunod na makakalaban ng Ateneo ang mahigpit na karibal na De La Salle sa darating na Linggo.

May walong puntos ang Red Warriors na nakatambay sa seventh.