Una sa Balita

UAAP: Bulldogs dinagit ng Eagles

By
0 3

Nilipad ng two-time defending champion Ateneo ang pangalawang sunod na panalo matapos paluhurin ang National University 27-25, 25-23, 23-25, 25-16 sa UAAP Season 79 men’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan.

Umiskor si three-time MVP Marck Espejo ng 18 points para isalo sa top spot ang Ateneo kasama ng Far Eastern University na makakalaban nila sa Linggo.

Naging sandalan ng Blue Eagles si six-foot-8 Russian-American Tony Koyfman sa harapan ng net, naglista ng 13 spikes kasama ang dalawang kill blocks tungo sa 15 markers. Si graduating player Rex Intal ay tumipa ng eight points.

Namuno sa opensa ng NU si Bryan Bagunas na may 23 points, nag-ambag sina Season 78 Rookie of the Year James Natividad at Fauzi Ismail ng tig-eight.

Walang nagawa ang Bulldogs sa tikas ng Ateneo, pinutakte sila ng errors at nalasap ang unang talo sa dalawang salang.

Sa Linggo rin ang susunod na laro ng Bulldogs laban sa wala pang panalong Adamson.

Pinilit ng Bulldogs na hindi mabokya, nakipagsabayan sa third frame para makaisang set bago nalagas sa fourth.